standards - bagay na dapat intindihin ng lalake.
kung palagi kang magse-set ng standards para sa mga magugustuhan mo, siguradong walang magiging tama para sa’yo. mahihirapan ang mga babaeng abutin yang gusto mo, hindi lahat kaya maging perpekto gaya ng iniisip mo.
yan yung mga katagang binitawan ko sa kanya. hindi ito para lumingon siya sa direksyon ko dahil mahal ko siya kundi ang maintindihan niya ang dahilan kung bakit wala pa din ang babae na iniisip niya na para sa kanya.
isa na dito ang pagiging maganda, lalo na yan, hindi lahat kami maganda, kaya wag kayo mag expect na lahat ng magiging girlfriend niyo pag dinala niyo sa mall lilingunin ng mga tao, pwera na lang kung naka long gown yung girlfriend mo sa mall, yun sigurado!
yung pagiging sexy, hindi lahat ng babae pinanganak na may curves! gaya ng bilbil hindi kaming lahat meron nun at hindi din lahat puro buto o yung tipo niyong “busty chicks” kaya wag kayong umasa na pag nag swimming kailangang naka two-piece talaga kasi yung iba, hindi kayang gawin at ipakita yung nais niyo.
pagiging matalino at magaling, hindi lahat sa amin ay matalino at kayang gawin ang lahat ng bagay. may ibang magaling sa math medyo pumapalya naman sa english at may magaling sa P.E pero kulelat naman sa science. bugbog naman ang katagang “tao lang po kami” pero tamang tama naman ito sa gusto kong iparating sa inyo.
hindi din lahat mayaman at dahil tila required ito sa panahon ngayon, sana maintindihan niyo na kapag nagsikap ay aangat din, patuloy lang umasa at magsikap. mas masarap din ang perang pinagpaguran kaysa sa perang tinatanggap lang na walang hirap.
kung tutuusin kasi mas malala yung standards niyo kaysa sa standards naming mga babae. kasi para sa mga babae yung lalaking seseryosohin, loyal at mabait ang usual na hinahanap plus points na yung pogi, talented, mayaman, at masarap ang pangangatawan. sweet ka lang sa babae ay malaking impact yun. habang sa inyo namang mga lalaki kasi, maganda, sexy, mabait at mayaman ang usual na hinahanap plus points na yung mabait at talented.
alam kong hindi lang babae usually ang may standards sa taong matitipuhan nila at alam ko din na tila kami ata ang nagpauso sa standards na yan. pero sana lumingon din kayo sa ibang direksyon, lalo na sa mga naghahanap ng mamahalin, dahil may ibang babae ang na-iintimidate o nahihiya sa mga standards niyo kaya kahit mahal kayo hindi nila kayang ipahiwatig sa inyo dahil sa standards na yan.
hindi lahat ng babae - maganda, sexy, matalino, mayaman, magaling(ehem!) at kung anu ano pang bagay na gustong gusto ng halos lahat ng lalake sa mundo. alam naming gusto niyo ng babaeng maipagmamalaki niyo pero di lahat kami abot ang gusto niyong mangyari at makita. sigurado ako na may nagmamahal diyan ng patago kaya sana kayong mga lalaki maging open din kayo sa iba at wag maghanap ng wala- kung meron man edi swerte ka! hindi man namin kayang abutin yan pero sigurado pag nalaman niyo kung gaano namin kayo kamahal at matututunan niyong ibalik ang pagmamahal namin, mapapawalang bisa din yang standards niyo.
hindi to laro, puso ang pinaguusapan dito.
-
inlovesababae liked this
-
inlovesababae reblogged this from keiisnotaround
-
keiisnotaround posted this