BATAS!

laganap ang mga kriminal kahit saan ka magpunta. hindi lang sa davao nangyayari to at hindi lang sa davao mangyayari to. tandaan mong sa likod ng malinis na bayan ay isang madugong digmaan. wala tayong makakamit kung di tayo dadaan sa kahirapan. parte na to ng buhay at parte na to ng pamumuhay sa isang umuunlad na lungsod. pero di ko sinasabing hayaan na lang natin ang mga nangyayari at pabayaan ang mga kapwa nating isa isang namamatay. maghanap tayo ng ibang paraan, isang malinis na paraan laban sa madugong labanan. wag nating hilingin na ikamatay ito ng sino mang may sala nguni’t hilingin natin ang konsensiya at maayos na pagiisip sa tuwing maghahanap na sila ng magiging biktima. bahala na ang batas humusga sa kanila. naiintindihan ko ang galit at puot na nararamdaman ng bawat isa dahil sa hatid ng masalimuot na balita. ako rin naman ay nalulungkot at gustong magpakawala ng masasakit na salita. pero aking napagtanto, saan ba ako dadalhin ng mga salitang to? ba’t di nalang tayo ay magingat, iwasan ang madidilim na lugar, iwasan ang lumabas sa dis-oras ng gabi, iwasan ang mga mamahaling gamit, wag ipaglantaran ang kagamitang mamahalin at mahahalaga at wag kani-kanino sumama. sa simple at malinis na paraan kayo makakaligtas. makakawala din tayo dito, gaya ng dati. kaya natin to mga dabawenyo!

  1. keiisnotaround reblogged this from keiisnotaround
  2. keiisnotaround posted this
-
Thursday, 23rd February