MADRAMA.
naiinis na ako. badtrip na kung badtrip. wala naman akong magagawa.
nakakaloko lang, iniisip niyong di ko ginagawa ang mga dapat kong gawin. yun naman kasi sabi niya diba? kaya yun na agad nakikita niyo. nagagalit kayo kasi may gusto ako na ayaw niyo. eh anu naman? gusto ko yun eh. magkaiba tayo. magkaiba kami.
para akong may dalawang anak. pota! ako nagbabantay sa dalawa may katulong naman. andami kong ginagawa. eh siya? kahit nung andito pa yun wala namang ginawa eh. nagagalit pa kung may ginawa siyang isang bagay na mas gusto niyang ako ang gumagawa. nakakainis lalo na kung di ko alam kung paano sasabihin sa inyo na mali nasa isipan niyo. na mali ang tingin niyo saken!
ang sakit lang isipin na tangina! ilang taon ako naging considerate! naglayas siya noon, ilang beses na nangyari yun, pero sa tuwing kumakain tayo, siya pa din iniisip niyo, siya lagi ang topic sa loob ng bahay, eh ako? kailan niyo ba tinanong kung kumusta araw ko?! ni isang beses di niyo nagawa. naiinis ako sa sarili ko kasi wala akong magawa sa panahong yun. nasa murang isipan pa lang ako pero ang gulo na ng nakikita ko. away dito away doon. iyakan, kaya di niyo ako maintindihan eh. kaya pinipili kong kasama ang tropa kasi masaya ako sa kanila. hindi sa bahay na pakiramdam ko kahit wala akong ginawa ako pa din ang masama. di niyo naman maiintindihan kasi di niyo nasubukang magtanong. pag naglabas naman ako ng sama ng loob sa inyo, mali pa din ako. nasanay na akong inuuna siya, kasi nga panganay kasi nga ganito ganyan kasi nga kailangan etc etc. ganun naman lagi ang dahilan. ok!
di ko na alam gagawin ko sa buhay ko. pagod na pagod na akong maramdaman na napakawalang kwenta ko. ansakit lang kasi. pinipilit kong pasukin ang buhay niyo pero pinipigilan niyo ako. pinipilit ko kayong ipasok sa mundo ko pero di niyo matanggap. di ko alam anong gusto niyo mangyari. sawa na akong tawaging walang konsiderasyon.